Isang 55-anyos na officer ng Bureau of Internal Revenue sa Valenzuela City ang nasugatan nang tambangan ng dalawang hindi nakikilalang armadong lalaki kamakalawa sa nasabing lungsod.
Nagtamo ng mga tama ng bala mula sa kalibre .9mm sa kaliwang balikat at kanang kamay ang biktimang si Atty. Ernesto de Bota, residente ng Sto. Niño, Meycauayan, Bulacan. Lulan si de Bota ng kanyang itim na kotseng Toyota Corona na bumabagtas sa Balubaran Road, Brgy. Malinta sa naturang lunsod nang tambangan siya at pagbabarilin ng nakamotorsiklong mga salarin. (Lordeth Bonilla)