8 miyembro ng ‘Paihi Gang’ timbog

Walong  crew  kabilang ang ship captain ng isang barko ang inaresto ng mga kagawad ng Philip­pine Coast Guard (PCG) sa ak­tong nagpapaihi ng krudo mula sa isang motor tanker,  kamakalawa  ng  gabi sa  Manila  North  Harbor.

Kinilala ang mga na­sakote  na  sina Apolinario Gonzalez, ship  captain; Ramon Fontanilla, chief engineer; Anthony Sendin; Rogelio Eperito; Taskrin Dumalak, pawang  mga crew ng Malayan Tug Iloilo; Rodrigo Bacani, Floresco Abun at Wodrofe Lacquin, mga crew  ng MT JV.

Nabatid  kay Lt.Senior Grade Armand  Balilo, nakatanggap  umano ng  report  ang PCG  kaugnay  sa ilegal  na  gawain  ng  grupo.

Ayon sa mga ulat at ta­lamak ang  pagkawala  ng  mga  cargo  at mga  la­ngis sa mga vessel  na naka­daong sa Manila  Bay.

Namataan naman ng mga tauhan ng PCG  da­kong  alas-10:30  ng  gabi ang Tugboat Iloilo, pag­ma­may-ari  ng  Malayan Towage Inc. at  ang M/T JV Enterprises na  pag-aari  naman  ng JV Enterprises.

May  dala  umano itong  16 na  toneladang diesel  fuel  ang  tugboat Iloilo  na isinasalin sa  JV Enter­prises sa  may  barge pool  ng Baseco Compund.

Kasalukuyang  nasa  kustodya  ng PCG na  nasa  Pier 13, South  Harbor  ang  mga  naarestong crew.

Sasampahan naman  ng kasong paglabag sa Anti-fencing Law ang mga crew  ng  JV  enterprises. (Grace dela Cruz)

 

Show comments