Higit sa 52,000 mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang nakatanggap ng parangal buhat sa Department of Interior and Local Government (DILG) dahil sa katangi-tanging serbisyong ipinagkaloob ng mga ito sa publiko nitong nakaraang taong 2007.
Sa ulat ng DILG, ang kabuuang bilang ay umabot sa 52,069 na mga pulis at jailguards habang 339 pa buhat sa BJMP ang kinilala dahil sa magandang serbisyo.
Umaabot rin sa 18,073 pulis ang muling pinag-aral ng DILG sa iba’t ibang degree at mga mandatory na mga kurso upang maitaas ang antas ng propesyunalismo sa kapulisan. Nasa 680 tauhan rin ng Bureau of Fire Protection ang isina ilalim sa espesyal na kurso.
Pinabilis rin ng DILG ang pagdinig sa mga kaso ng mga inirereklamong “scalawags” na pulis kung saan 1,108 kasong administratibo laban sa 436 na pulis ang naresolba na habang 2,858 pang kasong ang kasalu kuyang dinidinig. Kaugnay nito, nasa 434 pulis ang isinailalim sa re-training para sa kanilang ugali sa PNP Reformatory School sa Subic Bay, Pampanga.
Ipinagmalaki rin ng ahensya ang pagtanggap ng dagdag na 6,500 police recruits upang mapalakas ang puwersa ng kapulisan sa buong taong 2007. (Danilo Garcia)