200 NPA rebels nasa Metro Manila
Dalawandaang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang na-monitor ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nasa slum areas sa Metro Manila kaugnay ng plano ng mga itong paglahok sa malawakang kilos protesta sa anibersaryo ng Edsa II at Mendiola massacre sa Enero 20 at 22.
Ito ang ibinulgar kahapon ni AFP-Civil Military Operations (AFP-CMO) Battalion Chief Col. Buenaventura Pascual kaugnay ng kanilang pagtutok sa posibleng pananabotahe ng komunistang grupo sa mga kilos protesta.
Una rito, kinumpirma ng AFP at Philippine National Police (PNP) ang sabwatan umano ng Magdalo Group at ng NPA rebels sa determinadong planong ibagsak ang gobyerno na isasabay sa mga rally.
Sa Enero 20 ay gugunitain ang ika-7 taong anibersaryo ng EDSA II o ang pagkakaluklok sa kapangyarihan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo habang sa Enero 22 ay ang ika-21 taong anibersaryo ng Mendiola massacre.
Nabatid na ang nasabing mga okasyon ay sasalubungin ng kilos protesta ng mga militanteng grupo sa bansa.
Ayon kay Pascual, nakatanggap sila ng impormasyon na nagsibaba na mula sa kabundukan at nagsisipagtago sa mga slum areas ang mga rebeldeng NPA para lumahok sa rally. Gayundin para manghikayat ng mga sasama sa rally na nagbabahay-bahay na umano ang mga ito sa mga slum areas.
Partikular na tinukoy ng opisyal kung saan namonitor ang presensya ng mga rebelde sa lungsod ng Maynila ay ang Parola, Baseco at Vitas; pawang sa Tondo.
Ang mga rebelde na karamihan umano ay mga armado ay mula sa Rizal Proletariat Party ng NPA habang ang iba pa ay mula sa panig ng
- Latest
- Trending