400 kilo ng double dead meat nasabat

Muli  na namang naka­sabat ang mga tauhan ng Pasay City Veterinary Office ng may 400 kilo ng “double dead”  na karne ng baboy habang ibinababa sa isang katayan, kahapon ng madaling-araw sa nasabing lungsod. Ayon kay city veterinarian Dr. Ronaldo Bernasor, una silang nakatanggap ng impormasyon hinggil sa patuloy na pagbabagsak ng hot meat sa mga pa­lengke sa lungsod kaya matiyaga nilang minan­manan ang kilos ng mga sindikatong nagdadala ng mga ito. Dakong alas-2 naman ng madaling-araw nang ma­ pansin ng mga awtoridad ang pagparada ng isang owner-type jeep sa tapat ng isang slaughter­house na matatagpuan sa Edang St., kung saan na­tuklasan pa ang tatlong mga patay ng baboy. Agad na sinita nina Dr. Bernasor ang mga pahinante dahil buhay na baboy lamang ang puwe­deng ibaba sa naturang katayan subalit biglang nagtakbuhan ang mga pahinante at iniwanan ang tatlong sako na nagla­laman ng mga patay na baboy.  (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments