^

Metro

3 timbog habang nagdo-droga

-

Tatlo  katao kabilang ang isang ginang at isang dalaga ang dina­kip ng mga pulis matapos na maaktuhan na sumisinghot ng shabu kamakalawa sa Caloocan City. Nakilala ang mga nadakip na  nahaharap sa kasong paglabag sa Seksiyon 12 at 15 ng Artikulo II ng R.A. 9165 (possession of drug paraphernalia and use of dangerous drugs) na sina Zenaida Figueroa, 49; Sabrina Lopez, 21 at Angelito Mendoza, 42, pawang naninirahan sa #173 Libis Talisay Street, Barangay 12 ng nabanggit na lungsod. Sa report ng pulisya,  dakong alas-5 ng hapon nang madakip ang tatlong suspek sa loob ng bahay  ng mga ito sa naturang lugar. Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang pulisya, na ginagawa umanong shabu session ang naturang lugar, kaya’t agad itong bumuo ng team para magsagawa ng surveillance. Nang makumpirma ay isinagawa ang sorpresang pagsalakay ng mga awtoridad,  nataranta ang  tatlong suspek nang maaktuhan ang mga itong sumisinghot ng shabu. Nasamsam sa mga ito ang aluminum foil na kanilang ginamit, isang bundle ng transparent plastic na may lamang shabu, lighter, burner at iba pang mga drug paraphernalias. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ANGELITO MENDOZA

ARTIKULO

LIBIS TALISAY STREET

LORDETH BONILLA

SABRINA LOPEZ

ZENAIDA FIGUEROA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with