Police officer nasabugan

Halos matanggal ang dalawang daliri sa kanang paa ng isang police ins­pector makaraang masabu­gan ng paputok, habang naglalakad papauwi ang biktima sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Kasalukuyang ginaga­mot sa Valenzuela General Hospital, ang biktimang si P/Insp. Ester Casanova, hepe ng Women’s and Children Concerned Desk (WCCD) sa Valenzuela City.

Si Casanova naka­unipor­meng naglalakad mula sa himpilan ng pulisya ay nasugatan ng paputok na “pla-pla” sa kanyang paa matapos na hagisan ng suspek na si Renan Bau­tista na ngayon ay nakapiit.

Sa himpilan ng pulisya, abut-abot  ang pagsisisi at pag­hingi ng tawad ng sus­pek sa biktima subalit sa halip na patawarin ay kina­su­han niya ito. (Lordeth Bonilla)

Show comments