Humirit ng isang panghoholdap sa isang taxi ang isang lalaki at babaeng holdaper para pang-Media Noche sa Bagong Taon nang tangayin ang kinita ng driver nito kahapon ng umaga sa Quezon City.
Dumulog sa Quezon City Police District-Station 7 ang biktimang si Roy Crisostomo nang biktimahin siya ng mga holdaper dakong alas-5 ng umaga.
Sa kanyang salaysay, pinara siya sakay ng kanyang MGE taxi (TWL-797) ng isang lalaki at babae sa Maynila at nagpahatid sa Quezon City. Nagdeklara ng holdap kinalaunan ang mga suspek. (Danilo Garcia)