1 patay sa banggaan ng van at pedicab

Isang malungkot ng Ba­gong Taon ang sumalubong sa pamilya  ng isang mag-live in partner sa lungsod ng Va­len­zuela matapos na mabun­dol ang mga ito habang sakay ng isang pedicab ng isang rumaragasang closed van habang tinatahak ang ka­habaan ng McArthur Highway kung saan isa sa mga una ang idineklarang patay habang sugatan naman ang isa pa sa nabanggit na lungsod, ayon sa ulat ng pulisya kahapon. Kini­lala ang nasawi na si Odelon Pascual, 30, binata, ng Malan­day sa lungsod, habang su­gatan naman ang kinakasama nitong si Marife Martinez-Pascual, 24. (Ricky T. Tulipat)

Show comments