Patay ang isang ginang na empleyada ng Bureau of Customs matapos na pagbabarilin ito ng mga armadong suspek makaraang pagnakawan ng mga ito ang kanyang tahanan sa Parañaque City kahapon ng madaling-araw.
Agad na nasawi sa mismong pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Diane Lim, 28, dahil sa mga tinamo nitong tama ng mga bala sa katawan mula sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril.
Batay sa ulat ng Parañaque Police, tinatayang alas-12 ng madaling-araw nang sapilitang pasukin ng apat na armadong kalalakihan ang bahay ng biktima sa 29 A. Mabini St., Fortunata Village.
Nabatid na tanging katulong at dalawang mga anak nito na pawang may mga edad na 1-anyos at 3-anyos ang kasama ng biktima sa loob ng kanyang bahay nang pasukin ito ng mga suspect. (Rose Tamayo-Tesoro)