Daan-daang pasahero na-stranded sa NAIA

Dahil sa pagnanais na ma­ka­habol sa bisperas ng Pasko ka­hapon, daan-daang  pasa­hero ang halos sabay-sabay na nagdagsaan sanhi upang ma-stranded at mahirapang maka­sakay ng eroplano sa Ninoy Aquino International Airport at Manila Domestic Airport  pauwi  lalo na sa kani-kanilang probin­sya at sa ibang bansa.

Ang naturang pagdagsa at kabiguan ng karamihang pasa­hero na makasakay ay dahil sa karamihan ng mga flight lalo na sa mga lalawigan sa Manila Do­mestic terminal ay fully book na.

Ang mga naunang naka­kuha ng plane ticket mula sa mga flight kahapon ay mga nag­pa-reserve na sa mga air­lines patungo sa kani-kanilang des­tinasyon sa iba’t ibang panig ng bansa. Bukod dito, ilang inter­national flights ang naapektuhan sa biglang pagdagsa ng pa­sa­hero kung saan walang ma­gawa ang mga pasahero kundi mag-antay ng susunod na flights.

Kamakalawa ay iniulat na ma­raming OFWs na mga ba­kas­yunista at nagnanais na ma­kapiling ang kanilang mahal sa buhay dito sa Pilipinas ngayong Pasko ang nagdagsaan at na-stranded din sa Hong Kong air­port terminal. Nakipagsapa­laran na lamang ang mga Pinoy doon na mag-antay ng pani­bagong flights o mag-chance passenger sa ibang naka-reserbang flights para sa ibang Pinoy na pauwi sa bansa. (Ellen Fernando)

Show comments