Bata, 6, minolestiya ng binatilyo, 16

Isang 16-anyos na binatilyong itinago sa alyas na Henry ang inireklamo kahapon sa pulisya dahil sa umano’y pangha­halik niya sa ‘ari’ ng isang anim na taong gulang na batang babaeng itinago sa alyas na ‘Baby’ habang naglalaro sila ng bahay-bahayan sa Bagong Barrio, Caloocan City.

Sinabi  ng ina ni Baby sa Women’s and Children Concerned Desk ng Caloocan City Police  na, noong tanghali ng  Disyem­bre 2,  hinahanap niya ang kanyang anak para manang­halian nang mapadpad siya sa isang bakanteng bahay na katabi ng bahay ng suspek.

Sinabi ng ginang na kitang-kita niyang nakababa ang panty ng kanyang anak, nakaluhod ang suspek sa harap nito  at parang asong ulol umanong pinaghahalikan ang ari ng bata.  Sa puntong ito ay nagsisigaw ang ina ng bata kung ano ang ginagawa nito sa kanyang anak subalit sumagot lang umano si Henry na naglalaro lang sila ng bata ng bahay-bahayan.

Subalit nang tanungin ng imbestigador ang bata ay sinabi nito na pinilit umano siyang hubaran ng suspek at hinalikan ang kanyang ari dahil maglalaro sila ng bahay-bahayan. (Lordeth Bonilla)

Show comments