Carnappers kumana ulit sa QC

Muli na namang bumanat ang sindikato ng carnapping sa Quezon City at isang doktor ang kanilang pinakabagong nabiktima.

Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) station 10, natangay ang itim na Honda CRV (RRR-918) ni Marius Sing, 26, binata, doktor ng Unit-14 Banawe st. QC  na ipinarada lamang niya dakong 10:00 ng gabi kamakalawa sa Manulife Financing Business Processing Services sa Scout Borromeo st.Brgy. South Triangle QC.

Nang balikan ng biktima ang kanyang kotse ganap na alas-7 ng umaga kahapon ay nawala na itong parang bula.

Magugunitang tatlong in­sidente ng carjacking ang na­itala kamakailan sa loob lamang ng walong oras sa na­sabing lunsod. (Angie dela Cruz)

Show comments