Lalaki lasog sa tren

Lasug-lasog  ang katawan ng isang 55-anyos na lasing  na lalaki matapos na mahagip ng tren kama­kalawa ng gabi sa Tondo, Maynila. Ang biktimang ay nakilalang si Raymundo Montemayor.

Nabatid mula sa imbesti­gasyon ng pulisya na lasing umano na na­tulog sa tabi ng riles ang biktima dakong alas-11:30 ng gabi sa harapan ng kanilang bahay.

Sinabi umano ng mga kaanak ng biktima na hindi  akalain ng biktima na may daraan pang tren ng Philippine National Railway (PNR) sa nabanggit na oras kung kaya’t naglatag ito ng folding bed sa tabi ng nabanggit na riles.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nakaladkad umano ang katawan ng biktima ilang metro mula sa tapat ng bahay nito at tanging ulo na lamang nito ang nare­kober. (Grace dela Cruz)

Show comments