Kambal natagpuang patay

Natagpuang patay at isinabit sa bakod ng sim­bahan ang kambal na sang­gol na pinaniniwala­ang itinapon ng kanilang magulang kahapon ng umaga sa Pasay City.

Batay sa isinagawang pagsisiyasat ni PO3 Joel Lan­dicho ng Criminal In­vestigation Division (CID)-Pasay City, ang kambal na sanggol ay pawang mga lalaki at tinatayang nasa pitong buwan o pawang mga premature babies.

Ayon naman sa isang Elmer Tangale, 23, la­borer, dakong alas-10 pa ka­ma­kalawa ng gabi, habang naglalakad siya patungo sa construction site ay na­pansin na niya ang isang paper bag na nakasabit sa bakod ng Evangelical Chapel na nasa 4th & 3rd Sts., Villamor Airbase, Pasay City.

Noong una ay hindi umano pinag-ukulan ng pansin ni Tangale ang nasabing supot, subalit kina­umagahan ay binali­kan niya ito at dinala sa construction site.

Labis umanong kinila­butan si Tangale nang  su­riin ang laman ng nasa­bing supot at tumambad sa kanyang paningin ang kambal na sanggol na kapwa nakabalot pa sa diaper.

Agad namang ipinag­bigay-alam ni Tangale sa pulisya ang pagkakadis­kubre nito sa nasabing twin babies kung saan ay isang masusing imbesti­gasyon naman ang kasa­lukuyang ginagawa ng mga imbestigador upang alamin kung sino ang po­sibleng nag-iwan sa na­sabing mga sanggol na isinabit pa sa bakod ng naturang simbahan. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments