‘Tulak’ tinodas ng adik

Patay ang isang hini­hinalang drug pusher ma­tapos na pagbabarilin ng isang itinuturong sugapa sa shabu matapos na magkaonsehan sa bilihan ng naturang droga, ka­hapon ng madaling-araw sa Quezon City. Patay na nang idating sa pagamu­tan  ang biktimang si Ar­temio Carlos ng naturang lungsod. Pinaghahanap naman ang suspek na nakilala lamang sa alyas na Macmac matapos  na tumakas matapos ang isagawang  krimen.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-5 ng madaling-araw sa isang bahagi Calavite St., ng naturang ba­rangay. Nabatid sa inisyal na im­ bes­­tigasyon na bu­mili ng shabu ang suspek kay Carlos upang gamitin nito at ng kanyang asawa na si Malou. Pagdating sa ka­nilang bahay, natukla­san ni Malou na dinurog na candy lamang ang na­biling droga kaya galit na hinanting ng sus­pek si Carlos. Naispatan naman ng suspek ang pusher sa lugar na tina­tam­bayan nito kung saan isang pag­tatalo muna ang naganap. Nang magka­initan, dito na nagbunot ng baril ang sus­pek at tatlong beses na pinaputukan ang bik­tima bago mabilis na tu­makas. (Danilo Garcia)

Show comments