Jeep sinalpok ng bus, pasahero todas

Patay ang isang pasa­hero ng isang jeep maka­raang mabagok ang ulo nang salpukin sila ng isang rumaragasang pam­pasaherong bus ka­hapon ng madaling-araw sa Commonwealth Ave­nue, Quezon City.

Patuloy namang kini­kilala ng nasawing lalaki na tinatayang nasa pagi­tan ng edad na 30-35 anyos, nakasuot ng puting t-shirt, maong na pantalon at rubber shoes.

Ayon sa ulat,  naganap ang aksidente dakong alas-12:30 ng madaling- araw sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa North Fairview, ng na­turang lungsod.

Binabagtas ng pampa­saherong jeep (TEC-670) na minamaneho ni Joel David ang kahabaan ng Commonwealth Avenue nang salpukin buhat sa likuran ng mas mabilis na bus ng Nova Lines (TWR-949).

Sa lakas ng pagkaka­bangga, bumalibag sa loob ng jeep ang biktima at nabagok ang ulo nito sa bakal. Agad namang isi­nu­­god ang biktima sa Far Eastern University Gene­ ral Hospital ngunit hindi na ito umabot ng buhay.

Nagsasagawa naman  ng manhunt operation ang pulisya upang madakip ang driver ng naturang bus matapos na tumakas makaraan ang insidente. (Danilo Garcia)

Show comments