Metro Manila babaho

May malaking posibilidad na bumaho ang buong Metro Manila dahil sa nakaambang magkaroon ng krisis sa basura matapos na ipag-utos ng Rizal Provin­cial Government sa pamamagitan ng Sang­guniang Panlalawigan nito ang agarang pagpapasara sa may 14-ektaryang lupain na kinatitirikan ng Montalban Solid Waste Disposal Facility.

Ang pagpapasara sa tambakan ng basura sa Barangay San Isidro, Rodriguez (dating Montalban) ay base sa rekomendasyon ng safety engineering consultants na kung saan inaasahan poproblemahin ng may 16 na lungsod at isang munisipyo ng Metro Manila kung saan itatapon ang may 6,000 cubic meters ng basura kada araw.

Ayon kay Rizal Governor Jun Ynares III, kanyang ipinaalam sa Metropolitan Manila Development Authority at kay Montalban Mayor Pedro Cuerpo ang desisyon ng  Provincial government sa naturang pasi­lidad na sinasabing sobrang nagamit na.

Sinasabi ng engineering safety consultants na mas­yado nang gamit na gamit ang naturang tambakan at ang patuloy na paggamit at pagtatapon dito ay maaring magresulta sa isang aksidente na posibleng ikabuwis ng ilang buhay  ng mga residente sa paligid nito. (Edwin Balasa)

Show comments