^

Metro

Pagtakas ng 2 dayuhang bilanggo ng BI  kinumpirma

-

Dalawang dayuhang bi­langgo sa detention cell ng Bureau of Immigration sa Bicutan, Taguig ang kumpir­madong nakatakas kaya iniimbestigahan na ngayon ng mga awtoridad  ang mga umiskort at responsable sa pagtakas ng mga ito.

Sinabi ng BI jail warden na si Enrico Paner na isang Koreano na nakilalang si Yoo Hang Mok ang naka­takas nang magpagamot umano ito  sa St. James Medical Center sa Pam­panga at ineskortan ni Ronald Cayabyab.

Dahil dito, isinailalaim sa preventive suspension si Cayabyab at pinagpapa­liwanag kung bakit naka­takas ang  dayuhan.

Bukod pa rito, isa pang German national din ang umano’y napaulat na naka­takas at nasa panganga­laga na ng German Em­bassy. Ang ulat ay itinanggi ng na­sabing embahada.

Nang itanong ito kay Paner, tumanggi itong kum­pirmahin dahil hindi pa siya ang nakatalagang warden nang ang  nasabing Aleman ay nakatakas.

Nilinaw din ni Paner na nag-report na sa Bicutan Jail ang sinasabing naka­takas na British national na si William Marquez. (Ludy Bermudo)

BICUTAN JAIL

BUREAU OF IMMIGRATION

ENRICO PANER

GERMAN EM

LUDY BERMUDO

PANER

RONALD CAYABYAB

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with