Permanenteng CHED chairman, giniit

Humingi na ng saklolo kay Pangulong Gloria Ma­ca­pagal Arroyo ang mga  empleyado ng Com­mis­sion on Higher Education (CHED) para magtalaga na ito ng permanenteng Chair­man ng kagawaran upang hindi maapektuhan ang kalidad ng edukasyon sa kolehiyo dahil sa ma­gu­long sistema nito ngayon.

Sa dalawang pahi­nang liham na ipina­dala ng Com­mission on Higher Educa­tion Em­ ployees Union (CHED­EU) na ni­lag­daan ng may labing anim mula sa kabuuang bilang na dala­wampu’t  limang Central at Re­gional Directors, naka­saad dito ang na­mu­mu­ong krisis sa edukasyon dahil sa kawalan umano ng per­ma­nenteng mamu­muno sa kagawaran.

“We are aware that Chairman Romulo Neri’s stay at CHED is tempo­rary, hence, we appeal to Her Excellency to put special attention in the appointment of officials in the Commis­sion in ac­cordance with the provi­sions of Republic Act No. 7722, otherwise known as the Higher Education Act of 1994.”  Sinasabi sa pina­­dalang sulat.

Bukod dito umaabot na sa may 200 mula sa tina­tayang 300 mga em­ple­yado ng kagawaran ang pu­mirma na para sa nasabing kahilingan na ipinaabot sa Malacañang.

Magugunita na pansa­mantalang itinalaga ni Pangulong Arroyo si da­ting socio-economic plan­ning Secretary Romulo Neri bilang  officer-in-charge ng CHED noong Agosto 15 na manu­ nung­­kulan sa loob ng anim na buwan makara­ang siba­kin bilang CHED chair­man si Carlito Puno dahil umano sa kaba­galan nitong ipatupad ang pag-imple­menta sa “Lad­derized Edu­cation Pro­gram”  (LEP) ng gob­yerno.

Naapektuhan naman ang trabaho ni Neri sa kagawaran matapos na  isa ito sa mga nagdiin kay ba­gong bitiw na Commis­sion on Election (COME­LEC) Chairman Benjamin Abalos Sr. na umano’y nanuhol sa kanya upang maipalusot ang may $329.4 milyon ZTE Broad­band deal na ngayon ay mariin kinuku­westiyon ng ilang opisyal ng CHED at maging ng private school owners at mga miyembro ng Coordinating Council of Private Educa­tional Association (COCO­PEA) na magagampanan nito ang kanyang trabaho sa kabila ng mga kontro­bersiyang kinakaharap ngayon.

Umaasa naman ang pamunuan ng empleyado ng CHED na pakikinggan ng Malacañang ang ka­nilang hinaing para sa ika­gaganda ng sistema ng kolehiyo. (Edwin Balasa)

Show comments