Lolang ‘tulak’ tinodas

Patay ang isang 52-anyos na lola na umanoy tulak ng ipinagbabawal na droga makaraang barilin ng malapitan ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki sa harapan ng kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Agarang namatay sanhi ng tinamong tama ng bala sa mukha ng biktimang si Mila Adorna, labandera at umanoy tulak ng shabu at residente ng Cortez Com­pound, Tanguile St. Brgy. Fortune ng lungsod na ito.

Mabilis namang tuma­kas ang dalawang suspect matapos ang pama­mas­lang. Ayon sa pulisya, naga­nap ang insidente dakong alas-11 ng gabi sa harapan ng bahay ng biktima. Na­batid na kagagaling lang sa panonood ng telebisyon sa kapitbahay ang biktima nang biglang lapitan ito ng dala­wang suspect na pa­wang armado ng hindi pa batid na kalibre ng baril at walang sabi-sabing binaril nang ma­lapitan sa mukha ang matandang babae.

Napag-alaman pa na ilang oras bago ang pama­maslang ay natiyem­pu­han ng mga suspect ang batang apo ng biktima na umiihi sa gilid ng kanilang bahay.

Agad nilang tinutukan ng baril ang bata at muling ipinasok sa kanilang bahay at doon ay pinilit na ipina­paturo kung saan nandoon ang kanyang lola.

Napag-alaman pa sa pulisya na isa sa hinihinala nilang motibo ng pama­mas­­lang ay ang awayan sa droga matapos na makum­pirma na nagtutulak umano ng shabu ang biktima sa ka­ nilang lugar.(Edwin Balasa)

Show comments