Bomber timbog sa Pasig

Naaresto ng mga kagawad ng Foreign In­telligence and Liai­son Office (FILO) at puwersa ng Police ang isa sa mga miyembro ng Rajah So­laiman Move­ment (RSM) na wanted sa kasong rebellion at nadadawit sa naudlot na pambobomba sa Metro Manila na tina­wag na ‘Big Bang.’

Kinilala ni Chief Inspector Cresenciano A. Ladicho, hepe ng Ope­ration branch ng Pasig City Police ang suspect na si Abdul Kareem Aye­ras, alyas Ricardo P. Aye­ras, na naaresto sa Agli­pay St., Brgy. Pob­lacion ng nasabing lungsod.

Si Ayeras ay may­roong warrant of arrest na ipinalabas ni Makati Re­gional Trial Court Branch 66 Judge Jose­lito Villa­rosa dahil sa kasong rebellion.

Ang suspect din ang itinuturong kasama ni Pio de Vera  Feliciano ‘Abu­bakar’ Delos Re­yes na nagplano sa isa­sagawa sanang “Big Bang” o ma­la­wakang pambo­bomba sa mga mata­taong lugar sa Metro Manila subalit napigilan ng awtoridad matapos na mabuko ang planong pam­bo­bomba.

Sa ulat, naaresto ang suspect dakong alas-3:20 ng hapon kamakalawa sa loob ng kanyang hideout sa nasabing lugar mata­pos na makatanggap ng intelligence report ang pulisya sa pinagta­taguan nito

Si Ayeras din ang na­ngupahan sa bahay  sa Lilac St., Fairview, Que­zon City na kung saan nakuhanan ng mga awtoridad ng 600 kilos ng explosives na gagamitin sana sa na­sabing pagpa­pa­sabog.

Show comments