Grade 2 pupil, pisak sa jeep

Isang grade -2 pupil ang nasawi matapos itong mabundol at ma­gulungan ng isang pam­pasaherong jeep kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Dead-on-arrival sa Manila Central Univer­sity (MCU) Hospital ang biktimang si Kimberly Salazar, 6, ng Salmon St., Dagat-Dagatan, ng nabanggit na lungsod. Kasalukuyan naman nakaditine at nahaha­rap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ang suspek na si Ferdinand Cor­puz, 42, ng Brgy. Tuga­tog, Malabon City.

Ayon sa ulat, na­ganap ang insidente dakong alas-6 ng gabi sa mismong tapat ng Gomburza Ele­mentary School, paara­lan ng biktima,  na ma­ta­tag­puan sa kahabaan ng Samson Road, Ca­loocan City. Nabatid na papatawid ang biktima mula sa loob ng natu­rang paaralan para umuwi ng kanilang ba­hay, hindi nito napansin ang paparating na ru­ma­ragasang pampasa­he­rong jeep na mina­ma­neho ni Corpuz.

Huli na bago nakon­trol ng suspek ang kan­yang preno at nabundol niya ang biktima hang­gang sa tumilapon ito ng ilang metro ang layo at minalas pang magu­lungan ang bata ng na­turang sasakyan.

Dali-dali  namang isinugod ng naturang driver ang biktima sa nasabing pagamutan subalit hindi ito umabot ng buhay. (Lordeth Bonilla)

Show comments