Brgy. tanod itinumba

Hinihinalang biktima ng “summary execution” ang isang barangay tanod na natagpuang patay sa isang bakanteng lote, kamakalawa ng hapon sa Las Piñas City.

Nagtamo ng mga saksak at tama ng bala sa iba’t- ibang parte ng katawan  ang biktima na si Junie de Quiros, 44,   tanod ng Bgy. Almanza-2 at residente ng Aster   St., P.S. Cruz, Las Piñas City.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-5 ng hapon nang marekober ang bangkay ng biktima sa Havillana lot na matatagpuan sa   Daanghari Road cor. P.S.   Cruz St., ng nasabing lungsod.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Las Piñas City-PNP hinggil sa na­sabing insidente upang alamin kung sino ang pumaslang sa biktima at kung ano ang motibo  dito. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments