Lalaki lasog sa cargo truck

Dead-on-arrival sa Pa­rañaque Community Hospital ang isang 43- anyos na lalaki maka­raan mabundol at kalad­karin ang kanyang mi­na­ma­nehong motorsiklo ng isang cargo truck ka­ha­pon ng madaling araw sa lungsod ng Para­ñaque.

Kinilala ang bikti­mang si Rudy Grandia   Mulberry ng Camella Homes Sucat, Paraña­que City sanhi ng pagka­kabasag ng bungo at pagkakabali-bali ng buto.

Sa isinaga­wang im­bestigasyon, naganap ang trahedya dakong alas-3:30 ng madaling-araw sa Dr. A. Santos Avenue, harap ng Green Heights Subdivi­sion, Brgy. San Isidro ng na­sabing lungsod ha­bang minamaneho ng biktima ang kanyang motor­siklong Yamaha na may plakang TL-8907 at tina­tahak ang kahabaan ng Dr. A Santos Avenue at nag-U-turn sa harap ng Greenheights Subd.

Sa puntong ito, nag­ka­taon naka­salubong ng biktima ang rumaraga­sang Fuso Cargo Truck na may pla­kang  URM-243  na mi­na­maneho naman ni Michael Mung­cal, 38, ng Floridablanca, Pam­panga. Dahil biglaan ang pagsulpot ng motor­siklo, hindi nakontrol ni Mung­cal ang manibela ng cargo truck at nabun­dol ang ang biktima.

Sa lakas na pagkakabundol, mag­kasamang kinalad­kad ang motorsiklo at ang bikti­mang si Grandia ng may ilang metro ang layo. Halos madurog ang bu­ngo at nagkabali-bali ang buto ng biktima. Agad namang sumuko sa pu­lisya ang driver ng truck matapos ang in­sidente. (Angie dela Cruz)

Show comments