Girl with a Monogram handbag meets 1920s Latin boy

Isa na namang pasa­way na pasaherong babae ang inaresto ng mga ta­uhan ng Aviation Security Group (ASG) at hindi pina­alis sa bansa matapos na magbiro na may dalang bomba sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon ng umaga.

Nakatakdang sam­ pa­­han ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1727 o false bomb threat ang sus­pect na kini­la­lang si Lea Christine Silverio, 28.

Si Silverio ay pinalabas ng mga flight attendant matapos itong magbiro na may dalang bomba sa kan­yang bagahe habang sa­kay ng papaalis na Korean Air flight 8624 patungong Korea sa NAIA- Terminal 1.

Nang bitbitin ang pasa­herong babae papalabas ay inasar pa uli nito ang mga operatiba ng ASG at ibang airport personnel ha­bang nasa Gate 6 sa Ter­minal 1 at sinabing baka sumabog ang dala niyang bomba sa bag. Wala na­mang nakitang bomba sa bagahe ng sus­pect sa isi­nagawang manual check­ing subalit hindi ito pina­tawad dahil sa pagdidiin na may dala siyang bomba.

Nito lamang nakalipas na linggo dinakip din si Thomas Kusam, ng Papua New  Guinea matapos na mag­biro na may dalang bomba sa kanyang lug­gage. (Ellen Fernando)

Show comments