Bataan cop chief belies Gonzales’ charges
Nadakip na ng Quezon City Police District (QCPD) ang apat sa limang suspek na hinihinalang pumaslang sa deputy chief ng Makati police station sa isinagawang follow-up operation sa pinagkukutaan ng mga ito, kamakalawa ng gabi sa naturang lungsod.
Kinilala ni QCPD Director, Senior Supt. Magtanggol Gatdula ang isa sa mga suspek na si Bernardino Peralta. Pansamantala namang hindi muna inilabas ang pagkakakilanlan ng tatlo pang nadakip habang isinasailalim pa sa interogasyon.
Ayon sa isa sa mga saksi na kumilala kay Peralta, ito ang bumaril sa ulo ng nasawing si P/Supt. Joven Bocalbos, 38, matapos na holdapin ang ipinapasada nitong Nissan Urvan nitong Miyerkules ng gabi sa Commonwealth Avenue.
Nasakote ang apat na suspek sa isinagawang operasyon ng pulisya sa San Roque 2, Bagong Pag-asa, Quezon City matapos na makilala ng mga awtoridad base sa nilikhang cartographic sketch ayon sa paglalarawan ng mga saksi.
Hindi na nakapalag ang mga suspek nang palibutan ng mga pulis ang kanilang bahay na pinagtataguan habang pinaghahanap pa ang posibleng ikalima pang suspek.
Isinalaysay ng saksi na nagdeklara ng holdap ang mga suspect nang sumapit sa Litex Road paglagpas sa Commonwealth Avenue. Puwersahang pinaalis si Bocalbos sa driver’s seat ng suspek na si Peralta kung saan nabuksan ang belt bag nito at lumitaw ang kanyang kalibre .45 service firearm.
Nang makahalata na pulis si Bocalbos, dito na ito binaril ni Peralta sabay sabi na pulis din umano siya. Minaneho na ng mga suspek ang van at nagsibabaan pagsapit sa Shaw Boulevard sa Mandaluyong City ang mga suspect.
Habang isinugod naman ng isa niyang pasahero sa pagamutan si Bocalbos pero hindi na ito umabot pang buhay.
Patuloy pa ngayon ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa mga suspek habang hinihintay pa ang ibang mga saksi upang kilalanin ang mga nadakip na suspek. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending