PBL heavies square off in blockbuster tiffs

Hinihinalang nagpakamatay ang isang 16-anyos na dalagita makaraang matagpuan na wala nang buhay dahil sa tama ng bala sa sen­ tido kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Nakilala ang biktima na si Sheline Anne Villar, high school student, at residente ng #30 St. John street, Tugatog, Brgy. Veinte Reales, ng naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-8:45 ng gabi sa loob ng kuwarto ng biktima. Na­diskubre ang bangkay nito ng kanyang kapatid na si John Angelo.

Hinahanap umano nito ang kapatid upang magluto na ng sinaing ngunit nang buksan niya ang pinto ng kuwarto ay nakita niya na naliligo na ito sa sariling dugo. Nasa tabi naman nito ang isang kalibre .38 baril na hinihinalang ginamit sa pagbabaril.

Isang suicide note rin ang natagpuan kung saan nakasaad dito ang mga sama ng loob nito sa kanyang pamilya ukol sa hindi pa mabatid na mga bagay.

Nagsasagawa ngayon ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang ma­batid kung tunay ngang nagpaka­matay ang dalagita at malaman kung sino ang may-ari ng baril na ginamit sa insidente. (Danilo Garcia)

Show comments