Tumakas pagkatapos ng pamamaril ang suspek na si Jessie Zilmar, guwardiya na nakatalaga sa 27 Villas Townhouse sa Scout Madrinian St., South Triangle, Quezon City.
Nauna rito, kinompronta ni Zilmar kamakalawa ng hatinggabi si Perez dahil nagpapaparada ito ng mga sasakyan sa tapat ng binabantayan niyang compound.
Pumalag naman umano si Perez hanggang sa magkasagutan ang dalawa. Dito na binunot at pinaputukan ni Zilmar ang biktima saka tumakas. (Danilo Garcia)