HQ ni Lacson Inulan ng bato

Pinagbabato ng ilang kalalakihang umano’y tauhan ng mahigpit na kalaban sa pulitika ang headquarter ni Genuine Opposition Malabon-Navotas congressional candidate Jaye Lacson, kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.

Basag ang mga salamin at mga ilaw ng billboard ni Lacson sa Pascual Brgy. Acacia, Malabon City matapos batuhin ng mga kalalakihan bandang alas-2:00 ng madaling araw.

"Kahit ganyan ang ginawa nila ay pinayuhan ko pa rin ang aking mga supporters na ma ging mapagmatyag at huwag silang magpro-provoke ng kaguluhan. Election lang ‘yan. Hindi natin dapat personalin," malumanay na pahayag ni Lacson na nanawagan sa pulisya na kontrolin ang mga grupong nanggugulo sa mga kampanya sa halalan. (Lordeth Bonilla)

Show comments