^

Metro

Kinukuwestyong ordinansa naipasa sa panahon ni Lim

-
Ipinaalaala ni Manila Mayor Lito Atienza kay Senador Alfredo Lim, kumukuwestyon sa isang business tax ordinance na naipasa nang si Lim ay kasalukuyan pang al kalde ng Maynila na kanyang tiyakin kung kaninong interest ba ang kanyang ipinakikipaglaban, sa ordinaryong Manileño ba o sa malalaking negosyante?

Ito ang nais na linawin ni Atienza kay Lim matapos na akusahan ng huli ang alkalde at si City Treasurer Liberty Toledo na umano’y ilegal na ipinatutupad ang kinukuhang buwis mula sa mga negosyante.

Sinabi ni Lim na sa sandaling mahalal na alkalde, ang una niyang gagawin ay ipatitigil ang pagpapatupad ng Ordinance 7988 na inamiyendahan ng Ordinance 8011, ang dalawang tax ordinances na inamiyendahan sa pamamagitan ng Ordinance 7794.

Gayunman, ipinaalala ni Atienza sa senador na ang Ordinance 7794 na siyang "mother of ordinance" na ipinatupad para sa consumer at hindi ng para sa manufacturer, ay naipasa sa panahon ng anim na termino ni Lim bilang mayor ng Maynila at si Mayor Atienza ay naobligang ipatupad ito at ipagpatuloy noong siya ay mahalal na alkalde noong 1998.

Dapat ani Atienza na maalala ni Lim na ang ordinansang kanyang kinukuwestyon ay naipasa sa panahon ng kanyang administrasyon.

Sinuman aniya na nagnanais na maging mayor ay kinakailangang itigil ang pagpapalabas ng mga pahayag lalo na nga at hindi nito tinitingnan ang merito ng kaso tulad ng nasabing ordinansa na sumisira sa kakayahan ng pamahalaang lungsod na ipinagkakaloob sa mga mamamayan.

ATIENZA

CITY TREASURER LIBERTY TOLEDO

DAPAT

GAYUNMAN

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

MAYNILA

MAYOR ATIENZA

SENADOR ALFREDO LIM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with