Rape with homicide vs 4 suspect

Nahaharap sa kasong rape with homicide at robbery ang apat na katao matapos na makakita ng probable cause ang National Bureau of Investigation kaugnay sa pagkakapaslang sa isang estudyante ng Polytechnic University of the Philippines sa Pasig City noong Enero 2007.

Kabilang sa mga kakasuhan ay ang magkapatid na Michael at Reyson Derueda; Roderick Chico, pawang residente ng Brgy., Lambakin, San Miguel, Bulacan; at Myra Galut, empleyado ng Pross Pack Corporation, ng 521-C A. Mabini St., Manggahan, Pasig City.

Sinabi ng NBI na may nakitang ebidensiya laban sa mga suspek sa pagpa tay kay Fe Docuyanan sa loob ng isang apartment unit sa Pasig City kung saan nawawala rin ang mahahalagang gamit nito dakong 8:00 ng gabi.

Ang biktima ay hubo’t hubad nang matagpuang patay. (Doris Franche)

Show comments