Ayon kay Boyet San Gabriel, hepe ng Sanitation department ng Manila City hall, ipinarating sa kanyang tanggapan ang umano’y pagkahilo at pananakit ng tiyan ng mga empleyado ng treasurers office.
Bandang alas-4 kamakalawa ng hapon umano ng magkakahiwalay na isugod sa Ospital ng Maynila (OSM) at UST hospital ang tinatayang 100 katao na pawang empleyado ng naturang departamento.
Nabatid na umaga pa lamang ng dalhin sa treasurer’s office ang nasabing palabok ng isang barangay chairman na may kaarawan subalit lumipas pa ang apat na oras bago nila ito kinain.
Kaagad namang nakarating sa kaalaman ni Liberty Toledo, hepe ng Treasurer’s office ang insidente,subalit wala umanong balak na magreklamo ang kanyang mga tauhan sa nagbigay ng palabok.
Samantala, nakalabas na sa pagamutan ang ilan sa mga naging biktima ng nasabing insidente habang ang iba naman ay naiwan pa at patuloy na inoobserbahan ng mga manggagamot. (Gemma Amargo -Garcia)