Ito naman ang nabatid mula kay MPD director Danilo Abarzosa sa gitna ng reklamo dulot ng perwisyo ng mga demonstrasyon kung saan naapektuhan na rin ang mga negosyong malapit sa UN Avenue, Ermita, Maynila.
Una nang nagreklamo ang pamunuan ng Medical Center Manila makaraang umalma ang mga pasyente dito mula sa emergency room dahil ingay ng mga nagra-rally.
Maging ang Araullo High School na malapit sa MPD ay naapektuhan din ang pagka-klase ng mga guro sa kanilang mga estudyante dahil sa ingay na dulot ng mga ito.
Bukod dito, ang pagsisikip din ng daloy ng trapiko aniya sa naturang lugar ay nakakaapekto din sa mga motorista .
Sinabi ni Abarzosa na papayagan lamang ang pagsasagawa ng kilos-protesta sa mga freedom park kabilang dito ang Plaza Dilao at Plaza Salamanca at kanilang ipatutupad ang 500 metro ang layo ng mga demonstrador.
Kaugnay nito, pasado alas-12 ng tanghali kahapon nang ilipat sa Rizal Hall ng MPD si Ocampo mula sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) kung saan pinayagan naman siya ni Abarzosa na magpaaraw sa roof deck ng naturang Hall. (Doris Franche)