Aircon technician dedo habang nagtatrabaho

Agad na nasawi ang isang aircon technician dahil sa pagkabagok ng ulo makaraang mahulog buhat sa ikalawang palapag ng isang motel nang bumigay ang tinatapakan nitong kahoy habang nagtatrabaho kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Nakilala ang nasawi na si Venencio Pascasio, 54, ng Novaliches, Quezon City.

Ayon sa ulat, dakong ala-1:30 ng madaling araw habang nagkukumpuni si Pascasio ng sirang window type aircon sa compound ng SOGO Hotel sa Quirino Highway, Novaliches, Quezon City.

Nabatid na bumigay ang marupok na kahoy na tinatapakan ng biktima dahilan upang tuluy-tuloy itong bumagsak sa semento at tumama ang ulo na naging sanhi ng kanyang kamatayan. (Danilo Garcia)

Show comments