Nanugod at nagmura sa kapwa pulis, sinuspinde

Sinuspinde nang anim na buwan ng Internal Affairs Services ng National Capital Regional Police Office ang isang miyembro ng Pasay City Police dahil sa panunugod at pagmumura sa isa nitong kasamahan.

Bagaman suspendido mula pa noong Pebrero 16 si PO3 Ashley Magboo, huling nakatalaga sa Pasay City Police Inspectorate Office, nagpatuloy pa rin ito sa panunungkulan hanggang nitong mga nakalipas na araw kaya nang madiskubre ito ay tuluyan na siyang sinuspinde ng IAS.

Si Magboo ay kinasuhan ng grave misconduct ni Spo1 Calixto Jimenez ng Criminal Investigation Divi-sion ng Pasay City Police dahil sa panunugod at pag2mumura niya rito na bunsod lang ng isang tawag sa telepono. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments