P.4M payroll money, tangay sa holdap
February 16, 2007 | 12:00am
Muli na namang nakaiskor ang mga kilabot na motorcycle on tandem na mga holdaper matapos na tangayin ng mga ito ang may P400,000 payroll money ng isang kompanya, kamakalawa sa Marikina City.
Naganap ang insidente dakong alas-11 ng umaga ng holdapin ng tatlong armadong kalalakihan na nakasakay sa motorsiklo ang tatlong empleyado ng RS Developer na sakay sa isang pick-up sa kahabaan ng Gil Fernando Avenue, Brgy. Sta. Elena ng nabanggit na lungsod.
Ayon sa mga biktimang empleyado na nakilalang sina Joel Martin, 21; Daniel Oracion at Larry Ocampo, nag-withdraw sila ng nasabing halaga sa Metrobank sa Brgy. San Roque ng nasabing lungsod para pampasuweldo sa mga empleyado.
Habang tinatahak nila ang lugar ay biga na lamang sumulpot ang mga suspect sakay sa isang motorsiklo at hinarang ang kanilang daraanan.
Isa sa mga suspect ay binaril ang unahang gulong ng sasakyan ng mga biktima habang ang dalawa ay mabilis na bumaba sa motorsiklo at tinungo ang sasakyan ng mga ito.
Sapilitang kinuha ang pakay na pera at saka agad na nagsitakas.
Patuloy naman ang isinasagawang follow-up operation ng pulisya. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended