Honasan bantay-sarado sa PNP
February 4, 2007 | 12:00am
Dahil may bahid na mahilig tumakas, mahigpit na seguridad ang ibinigay ng Southern Police District Office (SPDO) at Muntinlupa City Police kay dating Senador Gringo Honasan nang magpa-check-up ito kahapon sa isang pagamutan sa nabanggit na lungsod.
Bantay sarado ang ginawang pagbabantay ng mga pulis kay Honasan habang isinasagawa ang medical check-up dito sa Asian Hospital, na naganap pasado alas 10:00 ng umaga.
Sa resulta ng pagsusuri ng mga manggagamot nabatid na wala itong sakit at mabuti naman aniya ang kalusugan nito.
Mula sa nabanggit na pagamutan, ibinalik si Honasan sa kanyang pinagkukulungan sa Fort Santo Domingo sa Santa Rosa, Laguna.
Ang hakbangin ng pulisya hinggil sa mahigpit na pagbabantay kay Honasan ay upang maiwasan ang posibleng pagtatangka nitong muling makatakas o makapuslit sa mga awtoridad. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest