^

Metro

Bentahan ng babae sa Dubai patuloy

-
Dahil sa malakas na kita sa bentahan ng babae sa mga foreigner sa Dubai, muling ibinalik sa kanyang trabaho ang club manager na si Fidel Castro ng Ratsky-Dubai matapos na ito ay magpanggap namang ordinaryong customer ng nasabing club.

Ito naman ang ibinunyag ng mga babaeng Pinay na nakaligtas sa umano’y white slavery sa Ratsky-Dubai kasabay ng pahayag na pinaikot ni Castro ang mga miyembro ng media at maging ang mga awtoridad nang sabihin nito na hindi na siya nagtatrabaho doon.

Nadiskubre na nagpapanggap na customer si Castro upang maipagpatuloy ang umano’y pagbubugaw nito sa mga babae sa mga kilalang customer.

Napag-alaman naman mismo sa may ari ng Hotel Karama kung saan nagre-rent lang ng puwesto ang RATSKY Club na si Castro ay isang TNT o tago nang tago sa mga immigration police dahil na rin sa kawalan nito ng visa ng Dubai.

May dalawang taon ng paso o expired ang visa ni Castro kung saan naghihintay na lamang ito ng amnesty na binibigay ng gobyerno ng Dubai tuwing ikalimang taon para makauwi ng Pilipinas ng hindi nakukulong. Dahil dito, malinaw na may proteksyon si Castro mula sa embassy dahil sa kabila ng kawalan ng residence visa at umano’y pagbubugaw ng mga kababaihan hindi pa rin natitinag ang embahada upang arestuhin.

Bukod dito, napag-alaman na inilipat na nila ang mga alagang babae sa ibang lugar matapos na mabunyag na itinitira ito ni Castro sa Satwa. Samantala, si Maureen Bulanadi naman na nasa bansa ay patuloy na nangunguha ng mga babae patungong Dubai. Kapapadala lamang ni Bulanadi ng 10 babae sa Dubai habang si Julie Peralta naman ay nagtatago pa rin bunga ng kasong illegal recruitment subalit nakakapagpadala pa rin ng babae sa Dubai, Europe, Amsterdam, Australia at Japan.

Nangako din ang mga awtoridad sa Dubai na tutulungan ang mga biktima nina Castro kung saan magpapadala sila ng mga larawan ng mga ito sa iba’t ibang government agency upang agad na makilala at madakip lalo pa’t may isa na namang 17-anyos na Pinay ang lumantad at nagbigay ng salaysay hinggil sa kanyang karanasan sa kamay nina Castro, Bulanadi at Peralta.

Sumulat din sa mga awtoridad sa Dubai ang mga babae at pamilya ng mga biktima kung saan nagpadala sila ng salaysay sa Dubai police, Ministry of Labor, Dubai Immigration at Criminal Investigation Department o CID. (Doris Franche)

vuukle comment

BABAE

BULANADI

CASTRO

CRIMINAL INVESTIGATION DEPARTMENT

DAHIL

DORIS FRANCHE

DUBAI

DUBAI IMMIGRATION

FIDEL CASTRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with