Ito ang niliwanag kahapon ni Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) Chairman Thompson Lantion bilang reaksyon sa pahayag ni Orlando Marquez, Pangulo ng Makati Jeepney Operators and Drivers Association (MJODA) na dapat na umanong ipagbawal sa kalsada ang mga pampasaherong jeep na may edad 10-taon pataas upang higit na mapangalagaan ang kapakanan ng mga pasahero.
Sinabi naman ni Lantion na ang mga pampasaherong jeep ay bahagi na ng kultura ng bansa na tinaguriang "King of the Road" kayat hindi maaaring alisin sa mga lansangan.
Sumailalim naman at nakapasa umano ang mga ito sa road worthiness test ng Land Transportation Office kayat nairehistro ang mga ito.
Hindi naman anya mairerehistro ang mga ito kung depektibo at kung hindi papasa sa pagkilatis ng Motor Vehicle Inspection section ng LTO. (Angie dela Cruz)