Nakilala ang mga nasawi na sina Edrosolan Santos, , isang tsuper ng taxi at Janice Belda, 19-anyos.
Samantala, ang dalawang sugatan ay sina Florita Estrera, 40 at Zaldy Lagui, 25.
Sa sketchy report na natanggap ng Parañaque City Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente dakong ala-1:00 ng madaling araw sa panulukan ng MIA Road at Roxas Boulevard, Parañaque City.
Nabatid na isang pampasaherong jeep, na minamaneho ng isang nagngangalang Junjun Rasa ang lumabag sa batas trapiko, kung saan kahit naka-red light na ay umarangkada pa rin ito, kung kayat bumangga ito sa isang ten-wheeler truck.
Hindi nakontrol ng tsuper na si Generoso Villena, ang preno ng minamaneho nitong ten wheeler truck, kung kayat nasalpok nito ang isang taxi na minamaneho nang nasawing si Santos.
Hanggang sa nasagasaan pa rin ng naturang truck ang pedestrian na si Belda, na naging dahilan ng kamatayan nito.
Ang naturang insidente ay nauwi sa karambola pa ng limang sasakyan.
Kaagad namang tumakas ang tsuper ng jeep na si Rasa, kung saan pinaghahanap ito ng mga awtoridad at sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide, physical injuries at damage to property, sa ngayon ay patuloy pang iniimbestigahan ang nabanggit na aksidente. (Lordeth Bonilla)