Hanggang sa ngayon ay patuloy pa ring kinikilala ng mga awtoridad ang mga biktima na ang isa ay may taas na 54 talampakan, malaki ang katawan, nakaputing-t-shirts at shorts, habang ang isa naman ay may taas na 53 talampakan at payat ang pangangatawan.
Sinasabing ang dalawa ay labas-masok na sa kulungan dahil na rin sa mga tattoo sa katawan kabilang ang Bahala na Gang (BNG).
Dakong alas-6:30 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng dalawa na kapwa nakatali pa ng mga alambre ang kamay at saka tinadtad ng saksak sa katawan.
May nakalagay ding placard sa ibabaw ng mga bangkay ng mga biktima na ang nakasulat ay ang mga katagang "Huwag kaming tularan, mga snatcher at bukas-kotse kami. Happy New Near- Vigilante Group". (Doris Franche)