Pintor dedo sa riot

Nasawi ang isang pintor sa riot na naganap sa pagitan ng dalawang grupo ng mga kalalakihan, kahapon ng madaling araw sa Taguig City .

Nasawi noon din ang biktimang si Sigfred Baylon "alias Sonny Boy", 29, ng Tandang Sora, Quezon City matapos itong paghahatawin ng matigas na bagay sa kanyang ulo.

Kaagad namang tumakas ang hindi pa nakikilalang mga suspect kung saan nagsasagawa pa ng follow-up operation ang pulisya hinggil sa naturang kaso.

Sa report na natanggap ni Police Supt. Simplicio Bayan Jr., hepe ng Police Community Precint (PCP) 2, Taguig City Police, naganap ang insidente dakong alas 12:00 kahapon ng madaling araw sa Osano St., Purok 2, Barangay Upper Bicutan, ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na nagkaroon ng riot sa nabanggit na lugar ang dalawang grupo ng kalalakihan at kasama dito ang biktima na dayo lamang. (Lordeth Bonilla)

Show comments