^

Metro

Lolo, patay sa hit and run

-
Isang matandang lalaki ang biktima ng hit-and-run kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Hindi pa nakikilala hanggang sa ngayon ang biktimang tinatayang nasa 60 hanggang 70 gulang, may taas na 5’3’’, kayumanggi ang balat, nakasuot ng kulay brown na t-shirt, short pants at nakasumbrero.

Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente sa harap ng Commission on Human Rights sa Diliman, QC dakong alas-2:45 ng madaling-araw habang papatawid ang biktima.

Isang rumaragasang sasakyan ang sumagasa at nang-iwan sa biktima. Hindi rin nakuha ng ilang saksi ang plaka ng sasakyan.

Ayon naman kay PO3 Venus Ormita, nangangalap pa sila ng ebidensiya upang matukoy ang suspect at kung sakaling madakip ay sasampahan nila ito ng kasong reckless imprudence resulting to homicide at paglabag sa RA 4135 o abandonment of one’s victim. (Doris Franche)

ARAW

AYON

BATAY

BIKTIMA

DILIMAN

DORIS FRANCHE

HUMAN RIGHTS

ISANG

QUEZON CITY

VENUS ORMITA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with