San Isidro High School walang pasok sa Lunes, Martes
December 3, 2006 | 12:00am
Bagamat tuluyan nang nalinis ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Fire Protection at Makati City Rescue Team ang kumalat na chemical spill sa San Isidro High School, wala pa ring klase sa Lunes at Martes ang mga estudyante upang matiyak ang kaligtasan ng mga ito.
Kasabay nito, pag-uusapan pa ng pamunuan ng paaralan kung magkakaroon na ng pasok sa Miyerkules dahil kailangan pa ring unahin ang kapakanan at kaligtasan ng mga estudyante at guro dito.
Nabatid na ang pagpapatuloy ng klase ay depende na rin sa rekomendasyon ng inter-agency committee on environmental health.
Samantala, bukas na sa mga motorista ang ilang kalye sa paligid ng paaralan matapos na isara nang magkaroon ng chemical spill mula sa Science Laboratory at sa kasagsagan ng clearing operation. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended