Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Rizal Medical Center ang biktimang si Oscar Ilagan, empleyado ng C.M. Maligaya Enterprises.
Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas 8:30 ng umaga habang inaayos ng biktima kasama ang isa pang kasamahan sa trabaho ang nakakahong salamin sa container yard area ng Asahi Glass Philippines na matatagpuan sa Brgy. Pinagbuhatan ng lungsod na ito upang ihatid sa mga kliyente.
Nabatid na aksidenteng gumuho ang mga nakakamadang kahon ng salamin at natabunan ang biktima habang mabilis namang nakatalon sa van ang kasama nito.
Sinikap pang alisin ng mga kasamahan ang biktima sa pagkakadagan ilang toneladang kahon ng salamin at itinakbo sa nasabing pagamutan subalit namatay din ito dahil sa tinamong pinsala sa katawan at ulo.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang nasabing insidente. (Edwin Balasa)