Ayon sa mga tindera, maaaring ito ay dahil na rin sa hirap ng buhay sa kasalukuyan at dahil na rin sa pagtaas ng presyo ng mga ito dahil sa nagkakaubusan ng rasyon sanhi sa mga nanalantang bagyo.
Noong nakalipas na taon umano buong buwan ng Oktubre ay dagsa na ang mga mamimili sa Dangwa subalit ngayon, kahit bukas na ang Araw ng Patay ay wala pa rin gaanong bumibili.
Ang isang dosenang Malaysian mums ay umaabot sa P140 subalit pagsapit ng Undas ay maaaring abutin hanggang P160, samantalang ang orchids sa ngayon ay mabibili pa sa P300 isang bundle subalit bukas posibleng tumaas ito sa P350.
Ang presyo ng rose ay P200 kada isang dosena, anthurium ay P200 din kada dosena, buttons ay P120 isang dosena at Calla Lily ay P40 isang dosena.
Maaaring bago mag-a-uno ay maiba at tumaas pa ang presyo nito lalo pa nga at binayo naman ng bagyong si Paeng" ang Baguio City kaya posibleng hindi makapagbaba sa Maynila ng mga bulaklak. (Gemma Amargo-Garcia)