^

Metro

Magdalo soldiers, binasahan ng sakdal

-
Si Quezon City Regional Trial Court Judge Rosanna Fe Maglaya ang naghain ng plea of not guilty kahapon laban sa tatlong miyembro ng Magdalo Group matapos na tumanggi ang mga ito na maghain ng plea charges sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions at illegal possession of explosives and ammunition na isinampa laban sa kanila.

Ang arraignment nina 1Lt. Sr. Grade Kiram Sadaba at Patricio Bumidang ay may nakahaing mosyon naman sa korte upang mabalam ang kanilang arraignment.

Samantala, naghain naman ng motion for reconsideration si Atty. Rafael Pulido, para sa kanyang kliyente na si Atty. Christopher Belmonte. Aniya, special case ang kaso ni Belmonte at kinakailangan ang matibay na ebidensiya upang mag-isyu ng warrant of arrest.

Una nang kinuwestiyon ng Magdalo soldiers ang hurisdiksiyon ng Manila Regional Trial Court sa pag-iisyu ng search warrant na ginamit sa pagsalakay sa isang safehouse sa #34 Alder St., Filinvest 2, Batasan Hills, Quezon City noong Hulyo 7.

Maaalalang noong Hunyo ng taong kasalukuyan nang salakayin ng mga awtoridad ang safehouse ng mga nasabing Magdalo soldiers sa Filinvest Homes Subd. sa Quezon City kung saan nakumpiska sa mga ito ang mga armas at malakas na pampasabog na gagamitin umano ng mga suspect sa pagkubkob sa Kongreso at panibagong bantang kudeta. (Doris Franche at Angie dela Cruz)

ALDER ST.

BATASAN HILLS

CHRISTOPHER BELMONTE

DORIS FRANCHE

FILINVEST HOMES SUBD

MAGDALO

MAGDALO GROUP

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

PATRICIO BUMIDANG

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with