Ito ay base sa isang sertipikasyon na ipinakita ni dating Makati City Councilor Oscar Ibay na dating kaalyado ni Binay mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR), na nilagdaan nina Elizabeth Gracia V. Sacramento, head ng Document Processing Section at Roberto A. Baquiran, Revenue District Officer, na nakatalaga sa nabanggit na tanggapan.
Nabatid na sa loob ng mahigit na siyam na taon, nasa 80 porsiyento ng mga kawani ng city hall ang hindi rehistrado sa BIR o wala silang TIN number, samantalang kinakaltasan umano sila nito sa kanilang suweldo.
Nabatid na may 12,000 kawani ang Makati City Hall Office, kung saan karamihan umano sa mga kawaning walang TIN number ay kinakaltasan ng tax, ngunit hindi naman umano nire-remit ito sa BIR.
Ayon pa kay Ibay, base sa dokumentong hawak nila, mayroong 8,000 "fictitious employees" sa city hall na sumusuweldo ng P10,000.00 kada buwan, kung saan nasa P960 million ang nawawalang pera sa pamahalaang lungsod kada taon at siyam na billion naman sa loob ng limang taon.
Tahasang sinabi ni Ibay na handa siyang tumestigo na laganap talaga ang mga ghost employees sa naturang tanggapan at handa niya itong patunayan base na rin sa mga hawak niyang dokumento. (Lordeth Bonilla)