Binay tinaningan ng DILG
October 19, 2006 | 12:00am
Patuloy na nagmamatigas si Makati City Mayor Jejomar Binay, na kahit pa aniya siya bigyan ng tatlong araw na taning ng Department of Interior and Local Government (DILG) hindi niya lilisanin ang kanyang puwesto.
Hanggang sa ngayon ay nanatili si Binay sa 21st floor ng bagong gusali ng Makati City Hall Office sa kanyang tanggapan at patuloy itong naninindigan na hindi niya iiwanan ang kanyang puwesto lalo na ang naturang opisina.
Kung saan hihintayin na lamang niyang lumabas ang Temporary Restraining Order (TRO) na hiniling nila sa Court of Appeals (CA) upang pigilin ang 60-araw na suspension order na inihain sa kanila ng DILG na may kaugnayan sa humigit kumulang na 500 ghost employee na naglipana sa Makati City Hall Office.
Kung saan kumpiyansa si Binay na pabor sa kanila ang magiging desisyon ng CA.
Upang hindi maapektuhan ang serbisyo publiko, pansamantalang pinamumunuan ni DILG National Capital Region Director Rodolfo Feraren ang naturang tanggapan kahit pa aniya nanatili sa 21st floor si Binay.
Dakong alas-10 kahapon ng umaga dumating si Feraren sa lumang city hall office kung saan dito muna siya nag-opisina at pinulong nito ang mga top executives ng naturang tanggapan.
"I am here to ensure a continued operations and delivery of basic services of Makati City government, I am here as care taker," ayon kay Feraren.
Kung saan nakatakda nitong bisitahin ang lahat ng departamento upang tiyakin na hindi mapaparalisa ang operasyon at hindi maapektuhan ang serbisyo publiko.
Samantala tatlong araw at hanggang Biyernes lamang ang ibinigay na taning ng DILG kina Binay at Vice Mayor Ernesto Mercado para lisanin nila ang kanilang puwesto at sundin ang naturang kautusan.
Kung saan hinamon ni Binay si DILG Secretary Ronaldo Puno, na maglabas ito ng ibidensiya, na may kaugnayan sa mga naglilipanang mga ghost employee.
Patuloy namang nakaantabay at nagbabantay ang mahigit sa 500 bilang ng mga kapulisan sa bisinidad ng Makati City Hall Office upang sigurihin na walang magaganap na kaguluhan.
Samantala, inihayag ni Executive Secretary Eduardo Ermita ang mga hinirang na temporary councilors na sina Johnny R. Santiago, Dist. 1 kapalit ni Lexter Ibay; Reynaldo C. Mateo, kapalit ni Richard M. Advincula; Mary Grace Bustonrera-Santos, Dist. 1, kapalit ni Jose Antonio F. Roxas; Emilio Arturo P. Langomez, Dist. 11, kapalit ni Arnel Regino T. Arceo; Regulus Mary C. Lim, Dist. 11 kapalit ni Allan T. Panaligan at Erlinda San Juan Hilario, Dist. 1, kapalit ni Marie Irish P. Pineda. (Lordeth Bonilla at may dagdag na ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended